Ang Unang Himagsik ni Balagtas


Ang Unang Himagsik ni Francisco Balagtas
ni Ralph Vincent A. Amar

        Ang unang himagsik ni Balagtas ay laban sa malupit na pamahalaang Kastila. Ito ay isa sa apat na himagsik ni Balagtas na kanyang itinago sa kanyang akda na Florante at Laura. Isinasaad dito ni Balagtas ang tungkol sa iba't ibang kalupitan at masasamang pamamalakad ng mga Kastila sa mga mamayang Pilipino. Isang pamamahalang ubod ng kasungitan, kalupitan, at bangis. Sa panahon noon, laganap ang pagmamalabis sa kapangyarihan sa gobyerno at dahil dito maraming Pilipino ang nagdurusa. 
        Noon, ang Pilipinas ay nasa ilalim ng pamamahala ng mga Kastila. At sa panahon na iyon, maraming opisyal ng gobyerno ang umaabuso ng kanilang kapangyarihan. Ginagamit nila ang buwis ng mga Pilipino para sa kanilang sariling kapakanan. Ang hindi makakabayad ng buwis ay makakatanggap ng matinding parusa tulad ng paghahagupit at pagkakabilanggo.
         Sa panahon ni Balagtas, mas nakakahigit at hindi pantay ang karapatan ng mga Kastila kaysa sa mga Pilipino. Inaabuso ng mga opisyal ng gobyerno ang kanilang kapangyarihan para sa kanilang benepisyo. At mas maraming karapatan at pribilehiyo ang tinatamasa ng mga Kastila na hindi natatamasa ng mga Pilipino. Marami din mga bagay na ginagawa ang mga Kastila na hindi malayang gawin ng mga Pilipino.
              Ang mga Pilipinong nakapag-aral sa panahon na iyon  ay gumagamit ng pamamahayag sa labas ng bansa at mga nobela o aklat na nagpapahayag ng kanilang saloobin at di pagsasangayon sa maling pamamalakad ng mga Kastila. Dahil dito, maraming Pilipino ang namulat sa katotohanan at ito'y kanilang naging inspirasyon sa pagbuo ng nasyonalismo at sa pagsimula ng Katipunan. Sila ay tinaguriang mga rebolusyonaryo o mga taksil sa bansang Espanya at ang mga nahatulan ng ganitong paglabag ay pinapatapon palabas ng bansa o kaka'y pinapatay sa pamamagitan ng pagbabaril. 

Comments

Popular posts from this blog

Reaksyon sa O'Layra